Ayon sa ulat ng media ng Myanmar kahapon, ipinroklama ng komisyong militar ng Myanmar National Democratic Alliance Army (MNDAA) na mula alas-dose ng hatinggabi kamakalawa, unilateral nitong isinagawa ang tigil-putukan. Ngunit, ipinagtatanggol nito ang sarili kung sakaling may sasalakay.
Hanggang sa ngayon, hindi pa gumagawa ng opisyal na posisyon ang pamahalaan ng Myanmar tungkol dito. Sapul nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng MNDAA at Pamahalaan noong ika-9 ng Pebrero, ilang daang katao na ang namatay, at lumikas ang maraming refugee mula sa kanilang lupang-tinubuan.
Salin: Li Feng