Idinaos ngayong araw sa Ufa, Rusya, ang Ika-15 Pulong ng Council of Heads of State ng Shanghai Cooperation Organization (SCO). Ang pulong na ito ay naglalayong iplano ang pag-unlad ng SCO sa hinaharap, at koordinahin ang paninindigan sa mga mahalagang isyu hinggil sa pag-unlad ng SCO at mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig.
Dumalo at nagtalumpati sa pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Iniharap niya ang mga mungkahi hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyong panseguridad ng SCO, pagpapatugma ng mga estratehiyang pangkaunlaran ng mga kasaping bansa, pagpapalalim ng people-to-people exchanges, at iba pa.
Ang mga inaasahang matatamong bunga ng pulong ay kinabibilangan ng pagpapalabas ng Deklarasyon ng Ufa, pagpapatibay ng estratehiya hinggil sa pag-unlad ng SCO hanggang sa taong 2025, paglagda ng kasunduan hinggil sa kooperasyon ng mga kasaping bansa ng SCO sa pagtatanod sa hanggahan, at iba pa.
Salin: Liu Kai