VIENNA, Austria--Patuloy pa rin ang pagtatalastasan sa isyung nuklear sa pagitan ng Iran at anim na may kinalamang bansa na kinabibilangan ng Estados Unidos, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina at Alemanya.
Magkasunod na dumating kahapon ng hapon ng Vienna sina Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya at Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina. Ayon sa mga tagapag-analisa,ang pagdating ng nasabing dalawang ministrong panlabas ay mahalagang palatandaan para marating ang komprehensibong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Ipinasiya kamakalawa ng mga kinatawan mula sa iba't ibang bansa na palugitan hanggang ngayong araw ang taning ng talastasan para magkaroon ng sapat na oras upang marating ang kasunduan.
Salin: Jade