|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ng mga opisyal ng Estados Unidos at Unyong Europeo (EU) na palulugitan sa samakalawa ang taning ng talastasan hinggil sa komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran, upang magkaloob ng mas maraming oras sa talastasan. Ito ang muling pagpapalugit ng pinakahuling round ng talastasan na tumatagal nang 2 linggo.
Nauna rito, bago ang dalawang taning ng talastasan sa ika-30 ng nagdaang buwan at ika-7 ng Hulyo, hindi napawi ang alitan sa pagitan ng Iran at 6 na bansang may kinalaman sa isyung nuklear ng Iran—Estados Unidos, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina, at Alemanya, at walang narating na kasunduan, kaya sapilitang paulit-ulit na pinalugitan ang taning ng talastasan.
Nang araw ring iyon, sinabi ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, na "nalutas namin ang ilang namumukod na problema, at natamo ang ilang progreso. Napakakonstruktibo ng atmospera."
Ipinahayag naman ni Philip Hammond, Ministrong Panlabas ng Britanya, na "paliku-liko at mabagal" ang proseso.
Ipinakikita ng mga impormasyon mula sa iba't ibang panig na pagkaraan ng isa at kalahating taong talastasan, sa darating na 3 araw, posibleng maging malinaw ang resultang kung magkakaroon o hindi ang Iran at nabanggit na 6 na bansa ng historikal at komprehensibong kasunduan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |