Sa Kuala Lumpur — Ipinatalastas kahapon ng espesyal na grupong namamahala sa pag-imbestiga sa 1 Malaysia Development Berhad (1MDB), na ini-freeze na nila ang anim na bank account na may-kinalaman sa imbestigasyon ng di umano'y pagpasok ng 700 milyong dolyares ng 1MDB sa account ni Najib Tun Razak, Punong Ministro ng Malaysia. Ang 1MDB ay binuo sa ilalim ng pamumuno ni Najib.
Ayon sa ulat mula sa "The WallStreet Journal" nitong Biyernes, pinagdududahang pumasok ang pondong 700 milyong dolyares ng 1MDB sa private bank account ni Najib. Pagkatapos nito, pinabulaanan ito ng Pamahalaang Malay at ni Najib.
Ayon sa nasabing grupo, nakuha na nila ang mga may-kinalamang dokumento ng 17 account mula sa 2 bangko para isagawa ang imbestigasyon.
Salin: Li Feng