Idinaos kahapon sa Kuala Lumpur, Malaysia ang ministerial meeting ng Regional Comprehensive Economic Partnership(RCEP).
Dumalo sa pagtitipon ang mga Ministro ng Kabuhayan at Kalakalan mula sa 16 bansa, na kinabibilangan ng 10 bansang ASEAN, Tsina, Australia, India, Japan, South Korea, at New Zealand.
Dininig ng mga kalahok ang report hinggil sa progresong natamo sa talastasang pangkalakalan ng RCEP. Samantala, tinalakay din nila ang mga nukleong isyung tulad ng kalakalan ng kargo, kalakalan ng serbisyo, pamumuhunan at iba pa.