|
||||||||
|
||
Matatagpuan ang Chongli sa kabundukan, kaya medyo mababa ang temperatura, at malaki ang bolyum ng pagbagsak ng niyebe dito. Ang Enero ay pinakamalamig na buwan sa Chongli, at ang karaniwang temperatura ay bumaba sa 12 degree centigrade below zero. Ang Hulyo naman ay pinakamainit na buwan, at ang karaniwang temperatura ay umabot naman sa 19 degree centigrade. Samantala, ang pag-ulan ng niyebe sa Chongli ay, sa karaniwan, nagsisimula tuwing kalagitnaan ng Oktubre, at natatapos tuwing unang dako ng Abril. Sa loob ng isang taon, mahigit 150 araw nakikita ang naiipong niyebe sa Chongli.
Dahil sa mga pabor na elementong ito, ang Chongli ay naging isang magandang lugar para sa pag-iiski. Maraming skiing sites ang matatagpuan sa Chongli, at maganda rin ang mga pasilidad na panturista dito na gaya ng mga hotel, restawran, haywey, at iba pa.
Sa kasalukuyang joint bidding ng Beijing at Zhangjiakou para sa paghohost ng 2022 Winter Olympic Games, ang Chongli ay isang pangunahing venue para sa snow sports.
Mga tanawin ng taglamig at tag-init sa Chongli
Skiing site ng Genting Resort Secret Garden
Skiing site ng Dolomiti Mountain Resort
Saibei Ski Resort
Wanlong Ski Resort
Changchengling Ski Resort
Editor: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |