Sa isang magkasanib na pahayag na ipinalabas kahapon nina Javad Zarif, Ministrong Panlabas ng Iran at Frederica Mogherini, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo na namamahala sa mga Suliraning Diplomatiko at Panseguridad, sinabi nitong narating na ang komprehensibong kasunduan sa pagitan ng Iran at anim na bansang kinabibilangan ng Amerika, Rusya, Pransya, Britanya, Tsina at Alemanya, hinggil sa isyung nuklear ng Iran. Magkakabisa ang nasabing kasunduan pagkaraang suriin ng United Nations Security Council.
Kaugnay nito, ipinahayag ang pagtanggap ng komunidad ng daigdig, na gaya ng Konseho ng Europa, International Atomic Energy Agency, United Nations, nasabing anim na bansa, at iba pa. Ipinahayag ng ibat-ibang panig na ito ay makakatulong sa paglaban sa terorismo, at pangangalaga sa katatagan, kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon at daigdig.
Ngunit, tinanggihan ng Israel ang nasabing kasunduan. Ipinahayag kahapon ni Punong Ministrong Benjamin Netanyahu ng Israel na makikinabang ang Iran mula sa nasabing kasunduan, at tatanggap ito ng ilang daan bilyong dolyares na tulong. Pero, hindi itatakwil aniya ng Iran ang pagbibigay-suporta sa terorismo at patakarang paglipol sa Israel. Kaya, palalakasin, tulad ng dati, ng Israel ang self-defense, dagdag pa niya.