Kaugnay ng pagpapatibay ng Mababang Kapulungan ng Dieta ng Hapon ng bagong Batas na Panseguridad at Pandepensa, sinabi ngayong araw ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na solemnang hinihimok ng kanyang bansa ang Hapon na huwag gawin ang mga bagay na makakapinsala sa soberanya at seguridad ng Tsina at sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Sinabi ni Hua na dahil sa mga elementong pangkasaysayan, lubos na pinahahalagahan ng mga bansang Asyano at komunidad ng daigdig ang pagbabago sa mga suliraning militar at panseguridad ng Hapon. Ani Hua, ang pagpapatibay ng naturang bagong batas ay walang-katulad na aksyon ng Hapon pagkatapos ng World War II. Dahil dito, may katwiran ang mga tao na magtanong sa Hapon kung itatakwil ang paninidigang pandepensa nito, o aalisin ang landas ng mapayapang pag-unlad, dagdag pa ni Hua.
Salin: Liu Kai