Pinagtibay kahapon ng Dietang Hapones ang Batas na Panseguridad at Pandepensa, na isinumite ng pamahalaan ni Shinzo Abe.
Kaugnay nito, isinagawa ang mga aktibidad ng ibat-ibang sektor ng bansa bilang pagtutol sa aksyong ito.
Ipinahayag kahapon ng hapon ng mga partidong oposisyon ng Hapon na kinabibilangan ng Democratic Party of Japan, Japan Restoration Party, Communist Party of Japan, Social Democratic Party, at iba pa ang pagtanggi sa botohan ng Mababang Kapulungan ng Dieta, na nakatakdang idaos ngayong araw.
Samantala, ipinahayag ng mga dalubhasa at iskolar na ang pinalawak na paggamit ng Hapon ng dahas ay hahantong lamang sa di-pagtiwalaan mula sa mga kapibansa, at mapapatindi ang panganib na posibleng harapin ng Hapon sa larangang panseguridad.