Kahapon ay unang anibersaryo ng pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines sa silangang bahagi ng Ukraine. Nang araw ring iyon, idinaos sa ilang may kinalamang bansa ang mga aktibidad bilang pagluluksa sa mga nabiktima.
Sa Hrabove, Ukraine, lugar kung saan bumagsak ang MH17, idinaos ang seremonya ng pagluluksa, at inialay ang mga bulaklak sa mga nabiktima.
Sa Canberra, Australya, inilagay ang isang bantayog, sa alaala ng 38 nabiktima ng bansang ito sa naturang insidente.
Sa Holland na may pinakamaraming nabiktima, nasa kalahating tagdan ang pambansang watawat sa mga departamento ng pamahalaan, bilang pagluluksa sa 196 na nabiktima ng bansang ito.
Nauna rito, idinaos naman ng Malaysia noong ika-11 ng buwang ito ang isang maagang seremonya, kung saan inobserba ang tahimik na pagluluksa sa mga nasawi.
Salin: Liu Kai