Nagdaos kahapon ng teleconference sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, Pangulong Francois Hollande ng Pransya, at Pangulong Petro Poroshenko ng Ukraine. Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng Ukraine, lalung-lalo na ang reporma sa Konstitusyon ng Ukraine, at halalang lokal sa silangang bahagi ng bansang ito.
Binigyang-diin din ng naturang mga lider na para mapahupa ang kalagayan sa silangang bahagi ng Ukraine, dapat komprehensibong sundin ang kasunduang narating noong Pebrero ng taong ito sa Minsk.
Salin: Liu Kai