Sa ika-29 na pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na idinaos kamakalawa, ipinahayag ni Ren Yisheng, Minister Counsellor ng Permanent Mission ng Tsina sa Geneva, na ang mga aksyon ng UNHRC sa isyu ng Ukraine ay dapat makabuti sa pulitikal na paglutas sa isyung ito. Dagdag niya, ang diyalogo at talastasan ang siyang tanging tamang landas patungo sa paglutas sa krisis ng Ukraine.
Winika ito ni Ren bago ang botohan ng UNHRC sa isang panukalang resolusyon hinggil sa pagbibigay ng kooperasyon at tulong sa Ukraine sa aspekto ng karapatang pantao. Sa pamamagitan ng 21 boto ng pagsang-ayon, 6 na boto ng pagtutol, at 20 boto ng abstensiyon, pinagtibay ang resolusyong ito. Sa 6 na boto ng pagtutol, isa ang galing sa Tsina.
Kaugnay nito, sinabi ni Ren na ipinalalagay ng Tsina na ang ilang nilalaman sa naturang resolusyon ay lumampas sa kapangyarihan ng UNHRC, kaya ang pagpapatibay ng resolusyong ito ay magdudulot ng negatibong epekto sa paglutas sa krisis ng Ukraine.
Salin: Liu Kai