Matinding kinondena kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), ang car bombing attack na naganap kamakalawa sa lalawigang Diyala ng Iraq.
Ang naturang insidente ay nagresulta sa pagkasawi sa 90, at pagkasugat ng 112 iba pa. Bukod dito, nasira rin ang ilampung tindahan at kotse.
Ipinahayag ni Ban ang pakikidalamhati sa mga kamag-anak ng naturang mga nasawi, at pagsuporta sa pamahalaan at mga mamamayan ng Iraq.
Binigyan-diin ni Ban na dapat iharap sa batas ang mga may-kagagawan.