Pamahalaang Indones, daragdagan ang preperensiyal na patakaran sa espesyal na sonang pangkabuhayan
(GMT+08:00) 2015-07-21 15:14:39 CRI
Kasalukuyang isinasaalang-alang ng Pamahalaang Indones na bigyan ng karapatan ng pagmamay-ari ng lupang komersyal sa mas mahabang panahon ang mga mamuhunan sa espesyal na sonang pangkabuhayan. Sa kasalukuyan, puwedeng umabot sa 80 taon ang panahon ng pagmamay-ari ng naturang mga mamumuhunan sa lupa sa espesyal na sonang pangkabuhayan.
Ito ang magiging pinakabagong preperensiyal na patakaran ng Pamahalaang Indones sa espesyal na sonang pangkabuhayan ng bansa.