Idinaos kahapon sa Washington D.C. ng embahada ng Cuba sa Amerika ang seremonya ng pagtataas ng watawat ng bansa. Nang araw ring iyon, pormal na itinaas ang lebel ng tanggapan ng Amerika sa Cuba sa antas ng embahada.
Pagkatapos ng pag-uusap kahapon ng hapon nina Bruno Rodriguez, Ministrong Panlabas ng Cuba, at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, ipinahayag ng huli na pormal na napanumbalik ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa at pagbubukas muli ng embahada sa isa't isa, at ito aniya ay "araw na historikal."
Ipinahayag naman ni Rodriguez na dapat komprehensibong alisin ng Amerika ang blokeyong pangkabuhayan at pangkalakalan laban sa Cuba, at dapat din aniyang isauli ang teritoryo ng Guantánamo na ilegal na sinakop ng Amerika sa Cuba.
Salin: Li Feng