Isinapubliko kahapon sa Washington ni Pangulong Barack Obama ng Amerika ang gagawing pagtatatag ng Embahada ng Amerika at Cuba sa magkabilang panig, sa darating ika-20 ng buwang ito. Ito aniya'y alinsunod sa narating na kasunduan hinggil sa pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Obama na dadalaw sa Cuba si John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, at dadalo rin siya sa inagurasyon ng Embahadang Amerikano. Samantala, humihiling din si Obama sa Capitol Hill na suspendihin ang isinasagawang embargo laban sa Cuba.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ng pamahalaan ng Cuba na ito ay unang hakbang sa komprehensibong pagpapanumbalik ng normal na relasyong Cubano at Amerikano. Ipinahayag din niya ang pag-asang ibabalik sa normal ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan, hanggang sa tuluyang pag-aalis ng Amerika ng embargo laban sa Cuba.