Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon ng Ministring Panlabas ng Malaysia, nanawagan ito sa UN Security Council na bago tapusin ang ulat ng imbestigasyong kriminal, buuin ang hukumang pandaigdig sa lalong madaling panahon para lubusang imbestigahan ang insidente ng pagpapabagsak ng Flight MH17. Anito, ito ang tumpak at napapanahong kapasiyahan.
Noong ika-17 ng Hulyo ng 2014, habang lumilipad mula Amsterdam papuntang Kuala Lumpur, pinagbagsak ang MH17 sa himpapawid ng Ukraine. 298 pasahero at crew sa eroplanong ito ang nasawi, at 43 sa kanila ay Malaysian.
Ayon sa Ministring Panlabas ng Malaysia, nagsasariling iimbestigahan ng magkakasanib na grupong tagapag-imbestiga na binubuo ng Australia, Belgium, Malaysia, Netherlands, at Ukraine, ang dahilan ng pagpapabagsak ng nasabing eroplano. Anito pa, makikipagtulungan ang grupong ito sa lahat ng kasapi ng UN Security Council para hanapin ang pagbubuo ng hukumang pandaigdig at mabigyang-parusa ang mga may-kagagawan.
Salin: Li Feng