|
||||||||
|
||
Indoor ice rink sa Beijing
Indoor ice rink sa Beijing
Sa kasalukuyan sa Beijing, mahigit 20 indoor ice rink ang bukas sa buong taon, at nakakaakit ang mga ito sa mga lokal na residente, lalung-lalo na tuwing tag-init.
Mga taong natututo ng ice skating
Mga batang natututo ng ice skating
Noong nakaraan, "naglalaro" lamang sa yelo ang mga taga-Beijing. Pero nitong ilang taong nakalipas, palaki nang palaki ang interes nila sa mga winter sports. Sa kasalukuyan, maraming tao, lalung-lalo na mga bata sa Beijing, ang tinuturuan ng mga propesyonal na tagasanay ng mga isport sa yelo na gaya ng ice skating at ice hockey. Para sa kanila, ang winter sports ay hindi lamang magandang libang, kundi mabuti rin sa iba't ibang aspekto ng katawan, higit sa lahat, katatagan at pagiging balanse habang nasa yelo.
Mga batang nagpapraktis ng ice hockey
Kasunod ng pagiging popular ng winter sports, parami nang paraming taga-Beijing ang kumakatig sa pagbibidding ng lunsod para sa paghohost ng 2022 Winter Olympic Games. Ayon naman sa mga tauhan mula sa sektor ng winter sports, kung ihohost ng Beijing ang palarong ito, makakatulong ito sa ibayo pang pag-unlad ng winter sports, na magdudulot ng mas maraming magandang pasilidad, mas maraming propesyonal na tagasanay, at mas maraming karaniwang tao na mahihilig sa mga isport na ito.
Editor: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |