Kahapon ng hapon, nakita sa ilang mga lugar sa Chaoyang District, Beijing, ang halos 100 half-naked male models. Ang mga dayuhang lalaki na nakasuot ng shorts at cape ay parang bayani ng Sparta sa pelikulang "300." Napag-alaman, sila ay nagsagawa ng promosyon para sa isang salad shop.
Ang promosyong ito ay humantong sa pagtitipon ng mga tao. Magkakasunod silang kumuha ng litrato at nagpost sa mga social networks.
Pero, naging trahedya ang sumunod pangyayari. Dahil ang pagtitipon ng mga tao ay malubhang sumira sa kaayusang pampubliko, pagkaraang mabigo ang pagpapaalala ng mga pulis sa "Spartan" na umalis, sapilitang kinontrol sila ng mga pulis.
Spartan VS Tsinong pulis, panalo ang pulis!
Salin: Vera