Sa Macao, Tsina—Bubuksan dito ang unang figure-eight ferris wheel sa daigdig sa huling dako ng taong ito.
Ang proyektong ito ay inilunsad ng Melco Crown Entertainment Ltd ng Macao. Magsisilbi itong palatandaan ng Studio City Entertainment Resort, isang movie-themed complex resort.
Nasa pagitan ng dalawang central towers ng resort hotel ang naturang golden reel ferris. 130 metro ang taas nito mula sa lupa. Mayroon itong 17 steampunk-themed pods, at 10 tao ang lulan ng bawat pod. Tatagal ng 15 minuto ang buong biyahe.
Ito ang maiging pinakamataas na ferris wheel sa Asya.
Salin: Vera