Nakipagtagpo kahapon sa Beijing si Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN-China Center (ACC), sa mga kinatawan mula sa 16 na media organization ng Tsina na gaya ng China Radio International, China News Service, People's Daily Online, at iba pa.
Pinasalamatan ni Yang ang naturang mga media sa pagbibigay-ambag nila, nitong nakalipas na mahabang panahon, para sa pagpapalalim ng pag-uunawaan at pagkakaibigan ng Tsina at mga bansang ASEAN. Umaasa siyang sa ilalim ng bagong kalagayan ng ibayo pang pag-unlad ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, patuloy na patitingkarin ng mga Chinese media ang mahalagang papel sa pagpapasulong ng pagtutulungan ng Tsina at mga bansang ASEAN, at pagpapalitan ng kanilang mga mamamayan.
Salin: Liu Kai