Nakipagtagpo kahapon si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa mga diplomata ng 10 bansang ASEAN sa Tsina. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa relasyong Sino-ASEAN.
Sinabi ni Wang na ang pinakamalaking komong kapakanan ng Tsina at ASEAN ay pagpapabilis ng pag-unlad, ang pinakamalaking komong pangangailangan ay pangangalaga sa katatagan, at ang pinakamalaking komong hangarin ay pagpapalalim ng kooperasyon ng dalawang panig. Ani Wang, ang ASEAN ay preperensyal na direksyon ng pang-kapit-bansang diplomasya ng Tsina. Sa katapusan ng kasalukuyang taon, itatatag ang komunidad ng ASEAN, at ito aniya ay unang sub-regional community sa Asya na may malaking katuturan. Dagdag pa niya, patuloy at matatag na kakatigan ng panig Tsino ang konstruksyon ng ASEAN community, at kakatigan ang namumunong papel ng ASEAN sa kooperasyong Silangang Asyano.
Lubos na pinapurihan naman ng mga diplomasyang ASEAN ang natamong bunga ng kooperasyong Sino-ASEAN. Hinahangaan din nila ang pagsasagawa ng Tsina ng patakarang pangkaibigan at pangkooperasyon sa ASEAN sa mahabang panahon. Anila, nakahanda ang ASEAN na palalimin ang estratehikong partnership sa Tsina.
Salin: Li Feng