Sa magkahiwalay na okasyon, kinatagpo kahapon sa Jakarta ni Xu Bu, bagong halal na Embahador ng Tsina sa ASEAN, sina Lim Hong Hin, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN na namamahala sa suliraning pangkabuhayan, at Inbal, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN na namamahala sa suliraning panlipunan at pangkultura.
Sa pagtatagpo, isinalaysay ni Lim Hong Hin ang may-kinalamang progreso ng konstruksyon ng ASEAN Economic Community (AEC), pag-u-upgrade ng China-ASEAN Free Trade Area (FTA), at talastasan ng komprehensibong economic partnership sa rehiyong ito. Umaasa aniya siyang patuloy na kakatigan ng panig Tsino ang konstruksyon ng AEC.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Inbal, ipinahayag ni Xu na nakahanda ang panig Tsino na patuloy na pasulungin kasama ng ASEAN, ang kooperasyon ng dalawang panig sa mga may-kinalamang larangan. Ipinahayag aniya ng panig Tsino na patuloy na kakatigan ang usapin ng ASEAN sa pagbabawas ng karalitaan, at tutulungan ang ASEAN sa pagpapaliit ng agwat ng pag-unlad.
Salin: Li Feng