Kaugnay ng gagawing pagdalaw ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) sa Indonesya, ipinahayag kamakailan ni Xie Feng, Embahador ng Tsina sa Indonesya, na ito ay ibayo pang magpapasulong sa pag-uunawaan at pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Xie na sa pamamagitan ng naturang pagdalaw, inaasahang mapapalawak ang pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Indonesya sa iba't ibang larangan, at mapapasulong ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Ang mga ito aniya ay magbibigay ng bagong lakas sa komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at Indonesya.
Sinabi rin ni Xie na ang relasyong Sino-Indones ay pumapasok sa landas ng napakabilis na pag-unlad. Umaasa siyang ibayo pang lalahok ang dalawang bansa sa mga proyektong pangkaunlaran ng isa't isa, para isakatuparan ang komong pag-unlad at win-win result.
Salin: Liu Kai