|
||||||||
|
||
Gamit ang pagkain, nilikha ng potograpong si Carl Warner na taga-London ang mga maalindog na larawan ng landscape.
Advertising photographer si Warner. Minsan ay nakakita siya ng portobello mushroom sa palengke, at ito ay mukhang puno sa "Oddworld." Ginamit niya itong inspirasyon sa pagkuha ng "foodscape."
Gamit ang portobello mushroom at iba pang pagkain na gaya ng binhi ng palay at bins, nilikha niya ang maliliit na foodscape. Pagkatapos nito, bumalik siya sa advertising, at sinimulang tulungan ang mga kompanya sa pagpo-promote ng magkakaibang produksyon at tatak ng pagkain.
Sa proseso ng pagkuha ng advertising foodscape, si Warner ang nagpapasiya sa pagkaing gagamitin, at tinulungan siya ng mga food designer na buuin ang mga tanawin sa pamamagitan ng mga materyal na kanyang pinili. Tumatagal ng ilang araw ang buong proseso ng paglikha.
Ang tanawin sa lente ng kamera ni Warner ay parang fairytale world.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |