JAKARTA, Indonesia—Sa isang resepsyong inihandog makakailan ng misyon ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), sinabi ni Xu Bu, puno ng nasabing misyong Tsino na nitong 24 na taong nakalipas sapul nang itatag ang dialogue partnership ng dalawang panig, mabunga ang pragmatikong pagtutulungan sa iba't ibang larangan. Idinagdag pa niyang sa kasalukuyan upang matupad ang inisyatibo para sa magkakasamang pagpapasulong ng pagtatag ng 21st Century Maritime Silk Road, na iniharap ni Pangulong Xi Jinping sa Jakarta, noong 2013, magkakasamang itinatatag ng Tsina, mga bansang ASEAN at iba pang may kinalamang bansa ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), pinasusulong ang people-to-people exchanges at pinahihigpit ang konektibidad. Ipinagdiinan niyang ang mga ito ay magpapasigla ng pagtatatag ng komong kapalaran ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Sinabi naman ng kinatawan ng Thailand, kasalukuyang bansang tagapagkoordina sa relasyong Sino-ASEAN, na mainam ang nagiging pagpapalitan sa pagitan ng Tsina at ASEAN sapul nang maitatag ang dialogue partnership. Umaasa aniya siyang sa magkakasamang pagsisikap ng Tsina; Singapore, susunod na bansang tagapagkoordina; at iba pang mga bansang ASEAN, ibayo pang susulong ang ugnayan at kooperasyong Sino-ASEAN.
Salin: Jade