Sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Idaraos dito ang ika-4 na linggo ng musika ng Tsina at ASEAN mula ika-2 hanggang ika-8 ng buwang ito. Magtitipun-tipon dito ang ilandaang kilalang composer, theorist at performer mula sa mga bansang ASEAN, Europa, Amerika, Chinese mainland, at Hong Kong at Taiwan ng Tsina, para ibahagi ang kani-kanilang bagong komposisyon at karanasang pansining ang isa't isa.
Sapul nang unang idaos ang ganitong aktibidad noong 2012, ang linggo ng musika ng Tsina at ASEAN ay naging isang malaki't regular na aktibidad na pansining ng paglikha ng musika, palabas, at pananaliksik sa teorya. Pinasulong nito ang paglikha, palabas, at pag-unlad ng musikang panlahi ng Tsina at ASEAN.
Salin: Vera