|
||||||||
|
||
Sina Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng CPPCC, at Joko Widodo, Pangulo ng Indonesia
Sa paanyaya ni Zulkifli Hasan, Tagapangulo ng People's Consultative Assembly of Indonesia (MPR), isinagawa ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), ang opisyal na pagdalaw sa Indonesia mula noong ika-25 hanggang ika-28 ng kasalukuyang buwan. Magkakahiwalay siyang nakipagtagpo kina Pangulong Joko Widodo, Zulkifli Hasan, Setya Novanto, Ispiker ng Parliamento; at iba pang opisyal ng Indonesia.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Joko, ipinahayag ni Yu na ang relasyong Sino-Indones ay nasa pinakamainam na panahon sa kasaysayan. Aniya, maraming beses ang pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Joko, at narating nila ang mahalagang komong palagay tungkol sa pagpapalalim ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa. Dagdag pa niya, nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Indones para ibayo pang mapalalim ang estratehikong pagtitiwalaan, mapalawak ang pragmatikong kooperasyon sa mga larangang gaya ng imprastruktura ng komunikasyon, enerhiya, pamumuhunan, at kalakalan; mapalakas ang pagpapalitan sa mga aspektong gaya ng siyensiya't teknolohiya, kultura, at turismo; at mapasulong ang pagtatamo ng mas malaking progreso ng relasyong Sino-Indones.
Ipinahayag naman ni Joko na lubos na pinahahalagahan ng panig Indones ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina. Nakahanda aniya ang Indonesia na pasulungin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa kabuhayan at kalakalan, industriya ng paggawa, kultura, turismo, at iba pang larangan para mabigyan ng mas malaking kapakanan ang mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |