Sa Kuala Lumpur, Malaysia—Idinaos dito ang pulong ng Lupong Tagapagpaganap ng International Olympic Committee (IOC). Sa ika-128 Sesyong Plenaryo ng IOC, boboto ang mga miyembro ng IOC sa karapatan sa pagtataguyod ng 2022 Olympic Winter Games. Maglalabanan ang Beijing at Almaty sa huling round ng pagbibiding.
Ipinahayag kamakailan ni Thomas Bach, Tagapangulo ng IOC, na ang susi ng pagtatagumpay sa naturang pagbibiding ay "pagkakaloob ng de-kalidad na gymnasium at pasilidad para sa mga manlalaro" at "planong may sustenableng pag-unlad. May lubos na kompiyansa dito ang Beijing 2022 Olympic Winter Games Bid Committee.
Salin: Vera