Sa ika-128 Sesyong Plenaryo ng International Olympic Committee (IOC) na idinaraos sa Kuala Lumpur, Malaysia, ginawa kaninang tanghali ng delegasyong Tsino ang final presentation hinggil sa pagbi-bid ng Beijing para sa 2022 Winter Olympics.
Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang video speech sa presentation. Ipinahayag niya ang pagkatig sa pagbi-bid ng Beijing para sa 2022 Winter Olympics. Aniya, kung mapipili ang Beijing, ihahandog nito sa daigdig ang isang "fantastic, extraordinary at excellent na Winter Olympics."
Sinabi naman sa presentation ni Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina at puno ng delegasyong Tsino, na ipagkakaloob ng pamahalaang Tsino ang komprehensibong garantiya sa mga aspekto ng pinansya, seguridad, at iba pa, para sa pagdaraos ng naturang olimpiyada.
Salin: Liu Kai