Nakatakdang ipatalastas ngayong gabi ng International Olympic Committee (IOC) ang lunsod na tagapagtaguyod para sa 2022 Winter Olympics at Paralympics, pagkaraan ng closed-door voting na gagawin ng mga miyembro ng IOC.
Ang dalawang lunsod na kandidato para sa pangyayaring ito ay ang Almaty, Kazakhstan at Beijing, Tsina.
Ipinatalastas kahapon ng Chinese Olympic Committee (COC) na sa kabuuang budget ng Tsina para sa 2022 Winter Olympics na nagkakahalaga ng 1.56 bilyong dolyares, 6% ang magmumula sa subsidy ng pamahalaan at ang natitira ay manggagaling sa di-pampamahalaang kapital.
Ipinahayag din ng COC na upang makatipid sa resources, sa 12 pinaplanong gym para sa 2022 Winter Olympics, 11 gym na itinayo para sa 2008 Beijing Olympics ang kukumpunihin at aayusin nila para magamit sa 2022 Winter Olympics. Idinagdag pa ng COC na tulad ng sa 2008 Beijing Olympics, ang lahat ng mga gym ay magagamit din pagkaraan ng gaganaping palaro.
Salin: Jade