Sina Punong Ministro Najib Razak (sa kanan) at bagong Pangalawang Punong Ministro Ahmed Zahid Hamidi (sa kaliwa) ng Malaysia
Isinapubliko kahapon ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia ang mga miyembro ng bagong gabinete, na kinabibilangan ni Ahmed Zahid Hamidi, dating Ministro ng mga Suliraning Panloob na magiging Pangalawang Punong Ministro ng pamahalaan.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Punong Ministro Najib na ang kasalukuyang pagbago ng gabinete ay naglalayong pakalasin ang administratibong kakayahan ng liderato, sa harap ng bagong kalagayang pampulitika ng estado at administrasyon ng pamahalaan.