KUALA LUMPUR, Malaysia--Ipinahayag ngayong umaga ng International Olympic Committee (IOC) na 85 miyembro nito ang boboto ngayong hapon para sa lunsod na tagapagtaguyod ng 2022 Winter Olympics.
Ang dalawang lunsod na kandidato para sa pangyayaring ito ay ang Almaty, Kazakhstan at Beijing, Tsina.
Ayon sa IOC, sa lahat ng 100 miyembro nito, 89 ang nakarating ng Kuala Lumpur at lalahok sa pagboto. Ang tatlong miyembrong mula sa Tsina ay hindi maaaring bumoto. Si Thomas Bach, Pangulo ng IOC ay hindi rin maaaring bumoto.
Ayon sa iskedyul, nakatakdang ipatalastas ni Bach ang resulta ng botohan sa pagitan ng alas 5:30 ng hapon hanggang las 6:00 ngayong gabi
Salin: Jade