Bilang pagbati sa pagkapanalo ng Beijing sa pagtataguyod sa 2022 Winter Olympics noong ika-31 ng nagdaang Hulyo, nagpalabas ng mensaheng pambati si Pangulong Nursultan Nazarbayev ng Kazakhstan.
Ipinahayag ni Nazarbayev na ang pagkapanalo ng Beijing ay nagpapakita, sa daigdig, ng malaking potensyal ng Tsina. Naniniwala aniya siyang maitatanghal ng Tsina, sa abot ng makakaya, ang Olympics sa mataas na lebel. Idinagdag pa niyang ang Tsina ay mag-aambag para mapalaganap ang diwa ng Olimpiyada na nagtatampok sa kapayapaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng buong mundo.
Ang Beijing, Tsina, at Almaty, Kazakhstan ay ang dalawang lunsod na kandidato para sa biding sa 2022 Winter Olympics na idinaos sa Kuala Lumpur, Malaysia, noong katapusan ng nagdaang Hulyo.
Nasungkit ng Beijing ang karapatan sa pagtatayugod sa Olimpiyada, sa pamamagitan ng 44 na boto ng pagsang-ayon. Samantala, ang Almaty ay nagtamo naman ng 40 boto.
Salin: Jade