Sa kabila ng pagbaba ng kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon, nananatiling mabilis ang tunguhin ng paglaki ng kalakalang panlabas ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina. Noong unang hati ng taong ito, mahigit 127 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Guangxi. Ito ay lumaki ng 10.3% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Noong unang hati ng taong ito, umabot sa mahigit 10 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Guangxi at mga bansang ASEAN. Ito ay lumaki ng 18.2%.
Salin: Vera