NAILUNSAD na ang inaugural flight ng Ethiopian Airlines sa Maynila noong nakalipas na ika-siyam ng Hulyo ayon sa Department of Foreign Affairs. Ito ang unang eroplanong mula sa Africa na nagbiyahe patungo sa Pilipinas. Ang Ethiopian Airlines ay naglilingkod sa 52 iba pang bansa sa Africa.
Umaasa ang Pilipinas na ang bilateral trade, investments, tourism at high-level exchanges ng dalawang bansa kasabay na ang cultural exchanges ay higit na mapalalakas sa mga susunod na panahon dahil sa direct flights.
Ang Ethiopian Airlines ay nag-aalok ng Manila-Addis Ababa route sa paggamit ng kanilang 767-300 aircraft ng tatlong ulit sa bawat linggo kaya't umabot na ang kanilang total destination sa 90.