NAGPA-ALAM na si Secretary Manuel Araneta Roxas II sa Philippine National Police na kanyang pinamunuan bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government sa idinaos na flag-raising ceremonies kanina.
Ipauubaya na umano niya ang pamumuno sa PNP sa ibang tao sapagkat magiging abala siya sa kanyang pangangampanya.
Nagpaaalam na siya sa Philippine National Police matapos hirangin ni Pangulong Aquino na presidential standard bearer. Samantalang nagpaalam siya, hindi naman siya nagsabi kung magbibitiw na siya sa kanyang puesto sa DILG.