Ipinahayag kamakailan ni Xu Ningning, Puno ng China-ASEAN Business Council, na bilang bansang tagapagtaguyod ng estratehiyang "Silk Road Economic Belt at Silk Road sa Karagatan sa ika-21 Siglo" o "One Belt and One Road," may responsibilidad ang Tsina na isagawa ang mga mabisang hakbang para ipaliwanag ang mga detalye at landscape ng nasabing estratehiya sa mga bansa ng ASEAN. Halibawa nito aniya ay pagpapaliwanag sa nilalaman ng mga katugong dokumento sa pamamagitan ng kani-kanilang local na wika. Ito aniya'y makakatulong, hindi lamang sa pagpapalawak ng impluwensiya ng naturang estratehiya, kundi pagpapasulong din ng pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at ASEAN.