Ayon sa datos na isinapubliko kamakailan ng Ministri ng Kalakalan at Industriya, at Departamento ng Pag-unlad ng Kalakalang Panlabas ng Malaysia, umabot sa mahigit 5.3 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan ng Malaysia at Tsina noong Hunyo ng kasalukuyang taon. Ito ay lumaki ng mahigit 32% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ayon sa ulat, lumaki ng 49.3% ang pagluluwas ng Malaysia sa Tsina na naging rekord, sapul noong Enero ng nagdaang taon. Ang paglaki ng pagluluwas ng refined oil ay pangunahing puwersang tagapagpasulong sa pagtaas ng pagluluwas ng Malaysia sa Tsina.
Ayon pa sa ulat, umabot naman sa mahigit 2.8 bilyong dolyares ang halaga ng pag-aangkat ng Malaysia mula sa Tsina. Ito ay lumaki ng 20.6% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Salin: Li Feng