Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Seryosong usapin ang foreign policy

(GMT+08:00) 2015-08-10 17:42:27       CRI

NANINIWALA si Professor Rolando Simbulan ng University of the Philippines na hindi gawa ng mga Filipino ang foreign policy ng bansa. Lubha umanong ayon sa Estados Unidos ang paninindigan ng Pilipinas sa mga pandaigdigang isyu at mga usapin ngayon. Ito ang kanyang pambungad na pahayag sa simula ng Tapatan sa Aristocrat na idinaos kaninang umaga. Binaybay niya ang naging relasyon ng Pilipinas at Tsina noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na yumabong ang relasyon ng dalawang bansa noong kanyang panahon. Nabaliktad naman ito ng maluklok si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

DAPAT BALANSIYADO ANG PAGTRATO NG MGA BANSA.  Niliwanag ni G. Chito Sta. Romana na mahalagang patas ang pagkilala ng Pilipinas sa mga bansang tulad ng America, Tsina, atbp.  Hindi kailangan ang pagtatangi, dagdag pa ni G. Sta. Romana na dating ABC Beijing Bureau Chief.  (Melo M. Acuna)

Samantalang, sinabi ni G. Chito Sta. Romana, dating bureau chief ng ABC News sa Beijing na nararapat lamang na balansiyado ang pagtrato ng Pilipinas sa iba't ibang bansa, tulad ng Estados Unidos at Tsina. Kailangang magkaroon ng maliwanag na paninindigan ang Pilipinas sa mahahalagang isyu ng daigdig at ng lipunan.

MGA FILIPINO, KAILANGANG MAGSAMA-SAMA.  mahalaga ang pagkakaisa ng mga mamamayan,  Ito ang binigyang-pansin ni dating Senador Leticia Ramos-Shahani sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga.  Naging paksa ang Philippine Foreign Policy sa lingguhang talakayan.  (Melo M. Acuna)

Para kay dating Senador Leticia Ramos-Shahani, kailangang seryosong pag-aralan ng Pilipinas kung paano makikipagrelasyon sa iba't ibang bansa. Obligasyon ng mga diplomatang ipinadadala sa iba't ibang bahagi ng daigdig na magsuri sa mga nagaganap sa daigdig.

Ikinalungkot ng dating senador na naglingkod na ambassador ng Pilipinas sa Romania at maging sa Australia na kakaiba ang tingin ng mga ambassador ng ibang bansa sa Pilipinas. Dumalaw umano sa kanyang tahanan ang Ambassador ng Belgium at sa kanyang buong akala, ay makikipagtalakayan hinggil sa mga isyu ng daigdig subalit magbago ang larawan ng lahat ng biglang magtanong kung mayroong makukuhang kasambahay na maglilingkod sa kanyang sariling tahanan.

Maliwanag, ani Gng. Shahani na nasusulat sa Saligang Batas ng Pilipinas ang pangangailangan ng isang independent foreign policy upang maipagtanggol ang interest ng bansa at mga mamamayan.

Ipinaalala ng dating senador na ang India ay nakapagpadala na rin ng mga mamamayan sa outerspace base sa kanilang pangangailangan.

Idinagdag pa ng dating mambabatas na kailangang magsama-sama ang mga Filipino sapagkat walang maaasahan sa Estados Unidos at iba pang super power sapagkat mayroon silang pangsariling interes.

Si Professor Richard Heydarian na ang usaping dinala ng Pilipinas sa UNCLOS ay walang katiyakang papabor sa Pilipinas sapagkat walang katiyakan kung mayroong hurisdiksyon ang hukuman sa usapin. Lubha umanong teknikal ang usapan. Binanggit din niyang malaki rin ang gastos ng bansa sa mga banyagang abogadong kumakatawan sa Pilipinas.

Kung ang salaping ginastos ng Pilipinas sa mga abogado ay ginasta na pambili ng mga sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard, mas makabubuti pa marahil sa interes ng mga mangingisdang Pilipino.

Isang malaking kamalian din ang pagpapadala ng BRP Gregorio del Pilar sa Masinloc sapagkat isang isyu ng pangingisda ang naganap noong 2012. Tumugon ang mga Tsino ay nagpadala ng kanilang mga sasakyan ng Hukbong Dagat.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>