NAKALABAS sa kanyang hospital arrest si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa loob ng limang oras upang dalawin ang kanyang panganay na kapatid na si Arturo. Hiniling ng kanyang mga abogado noong Biyernes na dalawin ang kanyang 72-taong gulang na kapatid na nasa Makati Medical Center dahilan sa stage four prostate cancer.
Pinayagan ng hukuman ang kanyang kahilingan na madalaw ang kanyang kapatid mula ikatlo hanggang ika-walo ng gabi. Sagot ng dating pangulo ang lahat ng kanyang gastos sa paglalakbay.
Na sa intensive care unit ang nakatatandang Macapagal mula pa noong nakalipas na ikalawang araw ng Hulyo. Maaaring hindi magtagal ang nakatatandang Macapagal sapagkat kumalat na ang cancer sa kanyang utak, buto at baga. Kahit pa nananalangin ang buong pamilya na siya'y gumaling, sinabi ng mga manggagamot na maaaring lumala pa ang lagay nito sa mga susunod na araw.
Si Arturo Macapagal ang ikalawang anak ni dating Pangulong Diosdado Macapagal sa kanyang unang asawang si Purita dela Rosa na pumanaw noong 1943. Si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo ay anak ng dating pangulo kjay Dr. Evangeline Pascual.