Ayon sa Sekretaryat ng China-ASEAN Expo, idaraos nito ang porum ng mga may kapansanan sa Setyembre, sa Nanning, kabisera ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, Tsina. Ang tema ng pagtitipong ito ay: Pagpapasulong ng Pantay na Pagsapi at Magkasamang Pag-unlad ng Mga May-Kapansanan.
Ayon sa ulat, tatalakayin sa porum ang mga isyung may-kinalaman sa pagtutulungan at pagpapalitan ng mga may-kapansanan; pagbibigay-serbisyo sa mga may-kapansanan sa pamamagitan ng pagpapagaling at kagamitan; at pagsasanay sa kakayahan ng mga may-kapansanan sa paghanap-buhay, at iba pa.