Inabuloy kahapon ng Upstream Ayeyawady Confluence Basin Hydropower Co. Ltd ng China Power Investment Corporation ang 50 milyong Kyat (halos 40 libong dolyares) na pondo sa mga mamamayang nasalanta ng baha sa Myanmar. Dumalo sa seremonya ng pag-aabuloy si Khin Maung Soe, Ministro ng Koryente ng Myanmar.
Sinabi ni Khin Maung Soe na pagkaganap ng baha, agarang ipinagkaloob ng pamahalaan at mga bahay-kalakal ng Tsina ang kinakailangang tulong sa mga apektadong mamamayan. Pinasalamatan niya ang pagkatig ng naturang kompanya sa gawaing panaklolo ng Myanmar. Aniya, ang aksyong ito ay nagbigay ng kompiyansa para mapagtagumpayan ng mga apektadong mamamayan ang epekto ng kalamidad.
Salin: Vera