|
||||||||
|
||
Lugar na pinangyarihan ng pagsabog
Ilang nasirang fire truck
Ayon sa pinakahuling ulat mula sa pamunuan ng rescue work ng pagsabog sa Tianjin, port city sa dakong hilaga ng Tsina, hanggang alas-tres kaninang hapon, umabot sa na 56 ang bilang ng mga naitalang namatay sa sakunang ito. Kabilang sa mga nasawi ay 21 bombero. Samantala, 721 katao ang ginagamot sa ospital, kabilang dito, 25 ang nasa kritikal na kalagayan, at 33 iba pa ang nasa seryosong kalagayan.
Nawasak ang isang istasyon ng Light Rail Transit na isang kilometro ang layo mula sa imbakan
Ang naturang pagsabog ay naganap alas onse'y medya (11:30) kamakalawa ng gabi sa isang warehouse sa Tianjin, kung saan nakaimbak ang mga delikadong kemikal. Unang nasunog ang imbakang ito, at habang pinapatay ng mga bombero ang sunog, naganap ang ilan pang malalakas na pagsabog. Grabe ang impak ng pagsabog, at nasira ang mga arkitektura na ilang kilometro ang layo mula sa imbakan.
Inalam kahapon ng Serbisyo Filipino ang kalagayan ng mga OFW sa Tianjin. Ayon kay Gilbert Von San Jose, kinatawan ng Filipino Community sa Tianjin: "Okay naman ang mga Pinoy sa Tianjin. Halos lahat ay natanong ko na pati mga pamilya at mga banda at OFW doon." Sa ngayon, hinihintay niya ang balita sa iba pang Pilipino lalo na sa isang bar na malapit sa pinangyarihan ng pagsabog na pag-aari ng Pinoy na may asawang Tsino. Aniya, sa inisyal na balita, nasira ang mga pintuan at nabasag ang mga salamin ng bar, pero okay naman daw sila.
Pagkaraang maganap ang pagsabog, ipinahayag ng pangkalahatang kalihim ng UN, at mga lider ng Amerika, Rusya, Britanya, Pransya, Hapon, Alemanya, Australya, at iba pang bansa, ang pagluluksa at panalangin sa mga biktima.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |