Sa gitna ng lugar na pinangyarihan ng pagsabog
Ayon sa estadistikang ipinalabas ngayong araw ng pamahalaan ng Tianjin, lunsod sa hilaga ng Tsina, umabot na sa 85 ang bilang ng mga naitalang nasawi sa malakas na pagsabog sa lokal na warehouse. Kabilang dito ay 21 bombero. Samantala, nasa kritikal na kalagayan ang 33 nasugatan.
Pagmomonitor sa kapaligiran, isinasagawa
Ayon pa rin sa ulat ng panig opisyal, inisyal na nakilala ang mga uri ng mga kemikal na naimbak sa warehouse na ito, at ilan sa mga ito ay mapanganib at may-lason, tulad ng sodium cyanide. Bilang tugon sa kalagayang ito, isinasagawa ngayon ang mga hakbangin para iwasan ang pagkalat ng mga kemikal, at ang mahigpit ding pagmomonitor sa kalagayan ng kapaligiran, hangin at tubig sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog.
Salin: Liu Kai