Idinaos kaninang umaga sa palasyong pampanguluhan ng Indonesia ang maringal na aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng bansa. Ang tema ng selebrasyon sa taong ito ay: batay sa diwa ng deklarasyon ng pagsasarili ng Indonesia noong ika-17 ng Agosto ng taong 1945, kakatigan ang konstruksyon ng pamahalaan tungo sa mas moderno at mas masaganang kinabukasan.
Sa kanyang talumpati sa selebrasyon, pinasalamatan ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia ang lahat ng pagsisikap na ginawa ng mga dating pangulo at lider ng Indonesia para sa konstruksyon ng bansa. Aniya, sa kasalukuyan, nagkakaisa ang mga mamamayang Indonesian, at walang humpay na umuunlad ang pambansang edukasyon. Aniya pa, naging miyembro na ng G20 ang Indonesia. Ito aniya ay nagpapakitang ang Indonesia ay isang dakilang nasyon.
Salin: Vera