Nakipag-usap kamakailan ni Xu Bu, Embahador ng Tsina sa ASEAN sa mga kinatawan mula sa mga bahay-kalakal na Tsino sa Indonesya. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa pagtutulungan ng Tsina at ASEAN sa produktibong kakayahan, pagpapasulong ng konektibidad, pagpapalawak at pagpapalalim ng pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan, at iba pa. Binigyang diin ni Xu na unti-unting lumalawak at lumalalim ang pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at ASEAN sa ibat-ibang larangan, batay sa estratehiya ng Silk Road sa Karagatan sa Ika-21 Siglo at balangkas ng "2+7" ng Tsina at ASEAN. Umaasa aniya siyang sasamantalahin ng mga bahay-kalakal na Tsino ang pagkakataon para pasulungin ang pagtutulungan ng Tsina at ASEAN at maisakatuparan ang kanilang pag-unlad.
Ang nasabing mga bahay-kalakal na Tsino ay mula sa industriya ng pinansya, enerhiya, koryente, bakal, transportasyon, at iba pa.