MADILIM NA KALANGITAN. Ito ang karaniwang larawan ng himpapawid sa Kamaynilaan. Kuha ang larawang itong nagbabadya ng malakas na buhos ng ulan sa Caloocan City kaninang umaga. May mga binahang pook na sa Pilipinas sa nakalipas na tatlong araw at ikinasawi na ng may 14 katao. (Melo M. Acuna)
NAKALABAS na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong si "Ineng" na may international name na "Goni" pasado hatinggabi kagabi at nag-iwan ng 14 na nasawi at maraming iba pa ang nasugatan sa Hilagang Luzon.
Sinabi ni Ben Oris ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na kahit nakalabas na si "Ineng," tuloy pa rin ang pananalasa ng panahong habagat o southwest monsoon sa Luzon.
Ang malakas na buhos ng ulan sa nakalipas na ilang araw ang ikinasawi ng 12 katao sa pagguho ng lupa sa hilagang Luzon. May 32,000 katao ang nailikas patungo sa mas ligtas na matitirhan.