Pagkaraang lumahok sa Ika-14 na Pulong ng mga Ministro ng Kabuhayan ng ASEAN at Tsina na idinaos kamakalawa sa Kuala Lumpur, Malaysia, ipinahayag ni Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na ibinubuhos ng Tsina at ASEAN ang pagsisikap, para tapusin sa katapusan ng taong ito ang talastasan hinggil sa pag-uupgrade ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA).
Ayon pa rin kay Gao, sa naturang pulong, narating din ng Tsina at ASEAN ang komong palagay hinggil sa magkasamang pagpapasulong sa 21st Century Maritime Silk Road Initiative, pagpapalakas ng rehiyonal na kooperasyon, at walong mungkahing iniharap ng Tsina hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig.
Salin: Liu Kai